ANG AKING NAIISIP (meron nga ba?!!) http://lazor.blog.friendster.com Thu, 06 Aug 2009 10:02:46 +0000 http://wordpress.org/?v=2.6.2 en isang bungkos ng mga rosas at isang boteng gin http://lazor.blog.friendster.com/2009/08/isang-bungkos-ng-mga-rosas-at-isang-boteng-gin/ http://lazor.blog.friendster.com/2009/08/isang-bungkos-ng-mga-rosas-at-isang-boteng-gin/#comments Thu, 06 Aug 2009 10:02:46 +0000 lazor http://lazor.blog.friendster.com/?p=10 petsa: ika-dalawa ng agosto,taong dalawang libo at siyam: lugar: cavite–isang araw bago ang araw ng aking kapanganakan..araw din ng chibug..pinaghanda ako ng mga mahal ko sa buhay..simpleng handaan lang naman..napakaligaya ko hindi lang dahil na bochog ako kundi nakatanggap ako ng isang bungkos ng mga rosas mula sa espesyal na nilalang..pangako ko sa sarili ko na mahahalikan ko ang unang magbibigay sakin ng bulaklak, kahit isa lang at kahit anong uri pa ito basta mula sa puso (haay..isa sa mga kabaduyan..loko lang) hindi nga lang natupad kasi madaming makakakita…kaya para sa iyo ito kung mababasa mo man…isang matunog na halik mula sa aking puso at kaluluwa,,,hahahaha..TSUP…

ika-tatlo ng agosto,taong dalawang libo at siyam : pook: las pinas–araw mismo ng kapanganakn ko..wala ng ulam, spaghetti at mga kakanin..dalwa na lang kami ng pinsan ko sa bahay..nagyaya siyang mag inuman..ang gusto niya sana ay redhorse..ngunit ayaw ng may kaarawan..nagpasya kaming gin bulag at juice na lang ang inumin..hindi na sya nakahirit dahil hind naman sya ang magbabayad..kinagabihan. bandang alas nuwebe ng gabi, parang gusto ko nang umatras at ipagpaliban ang toma dahil hindi pa man eh lango na ko sa antok..ngunit hindi pumayag ang lasengga kong pinsan..binigyan ako ng isang pagkapangit na simangot kaya wala na kong nagawa..nagumpisa na kong magtimpla..

unang timpla: isang pakete ng juice (pineapple orange) na hinalo sa kulang sa kalahating pitsel ng tubig..nilagyan ng kalahating bote ng gin at isang yelo..tinikman..parang matabang..malambot na kasi ang yelo at madaling natunaw at hunalo na sa juice at gin..hindi ako nasiyahan..

niretokeng timpla: dinagdagan ng isa pang pakete ng juice (parehong flavor)..hinalo..tinikman..matapang ang juice..hindi ako nasiyahan..binuhos ko na lahat ng laman ng bote ng gin..

kaunti na lang ang natitira..ayoko ko na..pinaghalong antok at tama ng inumin ang dumapo sakin..hindi na kitaya ng katauhan ko..nagpaalam na ko sa pinsan ko at umakyat sa taas para humimlay..

ika-apat ng agosto, taong dalawang libo at siyam: lugar: las pinas: oras: ika-tatlo ng madaling araw..

eksena:

tito e: mga lasengga kayo!

ako: bertday ko naman eh..sabay ngiti..

ika-apat ng agosto, taong dalawang libo at siyam: lugar: las pinas: oras: ika-walo siguro

eksena:

tito e: nagulat ako..naubos niyo ang isang bote ng gin ng kayong dalawa lang!!

ako: may juice naman eh..ngunit napaisip ako..oo nga no?..matapang pala..hindi lang halata kasi madaming juice..wahahahaha..

maligayang bati sa aking kaarawan…

]]>
http://lazor.blog.friendster.com/2009/08/isang-bungkos-ng-mga-rosas-at-isang-boteng-gin/feed/
isip tuta http://lazor.blog.friendster.com/2009/06/isip-tuta/ http://lazor.blog.friendster.com/2009/06/isip-tuta/#comments Fri, 05 Jun 2009 07:58:51 +0000 lazor http://lazor.blog.friendster.com/?p=7 hindi ako mahilig magpost ng kung anu ano sa blog.halata naman di ba?2006 pa huli kong blog.meron akong mga naiisip na sabihin pero hindi ko alam kung pano sasabihin.ang simple ng rason di ba?kaya lang wala akong magawa.patay ang t.v at makulimlimlim ang kalangitan.may bagyo ata.kaya feeling writer ako ngayon.parang sinsisipag akong paganahin ang utak at daliri ko.simple lang naman ang kuwento ko eh.

nakatira ko ngayon sa las pinas.sa bahay ng tito ko na asawa ng tita ko na kapatid ng mama ko na ngayon ay namamahinga na.(RIP).nag-aaral kasi ako sa Tesda na malapit dito.syempre tipid sa pamasahe kaya nagpasya akong dumito muna.may alagang aso yung pinsan ko.c miaka.nakuha niya yun pangalan sa palabas na fushigi yugi na kung saan ang bidang babae ay c miaka.pina stud ng tito ko c miaka para dumami ang lahi.dalawang buwan siyang nagbuntis at naghirap samabigat na dala dala sa sinapupunan.nung 1st week ng May (nakalimutan ko na ang eksaktong date),isinilang niiya ang malulusog at cute na babies niya.c nakauro,nakago,nui at c bunso.masaya clang panoorin dahil gaya ng ibang kalalabas lang sa mundo sila ay mga paslit na walang ka muwang muwang sa paligid.mga inosente kumbaga.sa tuwing cla ay magugutom,lalapit ang kanilang ina at sila ay padededehin.cge..sipsip..sipsip…sipsip..hanggang sila ay mabusog..iiwan cla ng kanilang ina at sila’y matutulog.isang buwan ang lumipas.nasaksihan ko ang kanilang paglaki.ang dating dede at tulog  na routine ay nadagdagan ng kung anu anong aktibidades mula sa paggapang,pagtakbo,pakikipaglandian sa isa’t isa,pagtahol ng mahina at paghabol sa dede ng nanay pag sila’y nagugutom na at kasunod nun ay ang pag ihi at pag etchas sa kung saang parte ng bahay(medyo nakaka stress din pala magdakot ng bagay galing wetpaks ng mga bubwit na ito).ganun pala ang mga aso,kung saan nila nakasanayang umihi at maglabas ng jerbaks eh wala ng bawian yun.dun na mismo nila paulit ulit na gagawin ang kahindik hindik na pangyayari araw araw.at wala kang choice kundi ang mapabuntung hininga at tanggapin ang katotohanan na sila’y mga tuta lamang.gayunpaman,malaki naman ang kanilang dinudulot na kasiyahan.malalambing sila at walang pagaalinlangang ibibigay sa iyo ang kanilang bukal na pagmamahal at tiwala na hindi mo sila sasaktan.tiwala na kapag sila ay nasa iyong mga kamay ay mararamdaman nila ang iyong mainit na pagmamahal.ang shweeet..

sa ngayon ay pinapanood ko ang kanilang mahimbing na pagtulog.payapang payapa.parang gusto ko silang tabihan.baka sakaling mahawaan nila ako ng kapayapaan ng kalooban…

ang lesson: mahirap mag alaga ng tuta,lalo na kung shitsu..kaya mahal sila pag binili mo sa cartimar..

]]>
http://lazor.blog.friendster.com/2009/06/isip-tuta/feed/
Maminski http://lazor.blog.friendster.com/2006/02/maminski/ http://lazor.blog.friendster.com/2006/02/maminski/#comments Sat, 04 Feb 2006 12:53:40 +0000 lazor http://lazor.blog.friendster.com/2006/02/maminski/ ang aking mama ay mabait

inaalagaan niya kami ng kami pa ay maliliit

ayoko na namang itanong kung bakit

siya ay maagang kinuha ng langit.

hanggang ngayon ay masakit pa rin

sa tuwing ang nakaraan ay aking iisipin

pilit ko mang sa isip ay alisin

ito’y parang bangungot na nagbabalik pa rin.

ngunit ano mang kalungkutan itong nadarama

ay wala na akong magagawa pa

kundi ang tanggapin na siya

ay namamahinga nang talaga.

ubusin ko man ang luha sa pag-iyak

dahil ang puso’y parang may kutsilyong nakatarak

ang magpakatatag,yan ang aking balak

buhay ko’y itutuloy,yan ang aking tinitiyak.

Ma, san ka man napunta

sana ikaw ay masaya

kahit sa palagay ko ay huli na

sasabihin ko pa ring MAHAL KITA!!!!

]]>
http://lazor.blog.friendster.com/2006/02/maminski/feed/
masarap pero mahirap.pero masaya pa rin http://lazor.blog.friendster.com/2006/01/masarap-pero-mahirappero-masaya-pa-rin/ http://lazor.blog.friendster.com/2006/01/masarap-pero-mahirappero-masaya-pa-rin/#comments Thu, 12 Jan 2006 10:15:42 +0000 lazor http://lazor.blog.friendster.com/2006/01/masarap-pero-mahirappero-masaya-pa-rin/ ang pag-aasawa talagang ganyan.sa umpisa masaya at maganda ang relasyon ng mag-asawa.laging nagtatawanan,nagkukuwentuhan,nagpaplano para sa future at kung anu ano pa.ideal na ideal ang dating.parang no problemo.pero pag nagtagal,yun na.lumalabas na ang sangkatutak na suliranin (parang sebo lang ayon sa isang komersiyal ni michael v.

pero hindi iyon ang talagang gusto kong sabihin.ang sinasabi kong "masarap pero mahirap eh yung sitwasyon ko.ganito kasi yon.ang dami ko kasing bahay.madami kasi akong kkamg-anak.ok lang naman sakin yun kasi at least nakikita ko silang lahat.natututuhan kong makisalamuha sa mga kamag-anak ko.hindi katulad ng iba na once in a blue moon lang nagkikita.minsan nga feeling vip ako kasi feeling ko lahat sila gusto sa bahay nila ako magbakasyon,lalo na [pag malapit na mag christmas.eh kung puwede nga lang na hatiin ko ang katawan ko para lahat sila eh makasama ko kaso hindi pede.saka lahat sila mababait sakin.yun nga lang mahirap din kasi kelangan ko mag decide kung saan ba talagas ko pede magbakasyon.eh kapag di ko napuntahan yung bahay ng isa,siyempre may magtatampo..so,hindi na lang ako pumipili,pinupuntahan ko na lang silang lahat.hinahati ko na lang yung araw ko.eh pagud paguran dahil ang lalayo nila.ang laki pa ng pamasahe.buti na nga lang,sila ang nagbibigay ng pamasahe sakin.o di ba vip ang dating.parang hinahanap hanap ang presence ko.papamasahian ako para lang makita ako?(hehehe,sana di nila mabasa to baka sabihin ganon pala feeling ko eh ganon naman talaga…joke lang)anyweiz,eto yata ang pinamana sakin ng aking yumaong ina.ang pagkakaroon ng madaming pupuntahang bahay.siya kasi ay isang galaerang tao.pero cguro ganon lang talaga siya.gusto niyang lagi nakakasama mga taong mahal niya.ngayon naiintindihan ko na kung bakit siya ganon.kayo naiintindihan niyo ba kung bakit ganon ako? kung ganon eh nagkakaintindihan tayo na ganon nga yun.oki ba?

yun ang ibig kong sabihin ng masarap pero mahirap.pero masaya pa rin

]]>
http://lazor.blog.friendster.com/2006/01/masarap-pero-mahirappero-masaya-pa-rin/feed/
goodnight at sweetdreams http://lazor.blog.friendster.com/2005/12/goodnight-at-sweetdreams/ http://lazor.blog.friendster.com/2005/12/goodnight-at-sweetdreams/#comments Thu, 22 Dec 2005 15:27:25 +0000 lazor http://lazor.blog.friendster.com/2005/12/goodnight-at-sweetdreams/ ano bang korni sa pagsasabi ng gudnyt saka switdrims? meron ba? kasi kapag nag gu gudnyt at switdrims ako sa pinsan ko, minumura niya pa ko.

dati kasi nung bata pa ko,tinuruan na ko ni mama ng ganun.una ki kiss ako sa kanya.sa magkabilang pisngi tapos sa lips.tapos sasabihin ko na yun.nasanay na ko ng ganun. hanggang ngayon ginagawa ko pa yun eh.nung nawala si mama,yun lola ko naman sinasabihan ko ng ganun.eh lumipat na si lola,wala na kong masabihan.tapos yung isa kong pinsan si naneng buti na lang nag re respond xa sakin.yung tita ko rin game din sa ganung sabihan bago matulog.

wala lang nami-miss ko lang si mama.

]]>
http://lazor.blog.friendster.com/2005/12/goodnight-at-sweetdreams/feed/